Ang wastong pagpili ng lahi at tamang pag gamit ng mga katangian ng bawat lahi ay siyang mag didikta ng ganda at dami ng baboy na iyong ibebentang palakihin.
Mga karaniwang Lahi ng Baboy:
- Puting lahi na may malapad na taingag nakatakip sa mukha, may mahabang katawan, maganda at madaming manganak at magaling mag alaga ng anak. Ang ilan sa kapintasan ng lahi na ito ay ang pag kakaroon ng mahinang paa at manipis na katawan.
- Puting lahi na may katamtamang laki ng tenga na nakaturong paitaas, mas maikli ngunit mas makapal na katawan kung ihahambing sa landrace, matatag na paa mahusay na ina at marami din mag anak. Ang lahi na ito ay medyo makapal ang taba at lawit ang tiyan.
- Pulang lahi ng baboy na may taingang katamtaman ang laki na nakaturong pauna, mabilis at matipid palakihin, may manipis na taba at magandang karne. Ang ilan sa kapintasan sa lahi na ito ay ang kahinaannito sa pag anak at ang pag kakaroon nito ng mahaba at tuwid na paa.
SISTEMA NG PAGPAPALAHI
A. Crossbreeding
- Pamamaraan ng pagpapalahi kung saan gumagamit ng dalawa o higit pang magkaibang lahi. Ito ay karaniwang tinatawag na “mestisong lahi”. Ang pamamaraang ito ay inererekomenda upang mapaunlad ang babuyan. Puro o hybrid na barako lamang ang inirerekomendang gamitin sa ganitong uri ng pagpapalahi.
- Halimbawa ng pag papalahing ito ay ang mga sumusunod:
- Largewhite x Landrace = F1 (sow) x Duroc = Pang Bentang Baboy
- Largewhite & landrace :
- Mabilis ang paglaki sa araw araw.
- Matipid sa pagkain.
- Maganda ang kalidad ng karne.
- F1:
- Maraming bilang ng inaanak.
- Mas mabigat ang timbang ng biik na inaanak.
- Mahusay ang paggagatas.
- Magaling mag-alaga ng anak.
- Pang Bentang Baboy
- Mabilis lumaki.
- Matipid sa pagkain.
- Maganda ang kalidad ng karne.
- Malaman
- Maganda ang pangangatawan.
B. Inbreeding
- Ito ay maling paraan ng pagpapalahi kung saan ang mag ka mag anak (mag-ama; mag-ina; magkapatid o magpinsan) na baboy ay pinag pares.
- Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pinsala na naidudulot ng inbreeding:
- Pisikal na kapansanan (luslos sa bayag, o tiyan, walang butas na puwit, atbp.)
- Kakaunti kung manganak.
- Mabagal na paglaki ng baboy.
- Mababang bahagdan ng pagbubuntis.
- May kapansanan sa bayag, utero at iba’t ibang bahagi ng ari.
PARAAN NG PAGPAPALAHI
- Natural Mating
- Ito ay isang paraan ng pag papalahi kung saan ang isang inahin o dumalaga ay pinapasampahan sa isang barako. Dito ay may aktuwal na kontak ang inahin at barako.
- Artificial Insemination
- Ito ay isang alternatibong pamamaraan ng pag papalahi. Ang barako ay Kinokolektahan ng semilya at sinusuri muna base sa kalidad ng semilya bago ito iturok o i-inseminate sa inahin. Dito ay walang aktwal na kontak ang inahin at barako.
dennis c mendoza
Good day po,, bago lang po ako sa pag aalaga,, sana matulungan nyo ako sa pag aalaga ng inahing baboy
PiggyBiz
hello po, basahin nyo lang po itong article about sa inahin –> https://www.piggybiz.info/tamang-pag-aalaga-at-pangangasiwa-ng-alagang-baboy-na-inahin/