Ang hindi pagbubuntis ng baboy ay isa rin sa pangunahing dahilan ng hindi pag unlad ng mag-bababoy, kaya mas magandang malaman muna natin ang mga dahilan kung bakit ba ito nangyayare, ito ang mga listahan ng mga dahilan kung bakit hindi nagbubuntis ang ating mga inahin na baboy.
- Pangit ang Pamamahala sa Pagpapakasta
- Maling panahon ng pagpapakasta sa naglalanding inahin
- Hindi tama ang pangangatawan
- Bata pa para sa unang serbisyo
- Pangit ang Temperatura
Pangit ang Pamamahala sa Pagpapakasta
Maaaring magkaron ng problema ang inahin pag hindi naging maayos ang pagpapakasta. Ang pagkakasta sa inahin at ang barako ay kailangang nai-plano ng maayos.
Ang mga sow ay mas magandang mapakastahan anim na araw pagkatapos nila mai-hiwalay sa kanilang mga biik.
Siguraduhing hindi expose sa maraming stress ang inahin at nasa magandang temperatura ang kulungan. At ang barakong gagamitin ay hindi masyadong gamit sa lingo na ito’y mag se-serbisyo(di lalagpas ng 5-6 serbisyo kada lingo).
Maling panahon ng pagpapakasta sa naglalanding inahin
Ang mga magbababoy na hindi nakapag tala ng una at pangalawang cycle ng paglalandi ng dumalaga(gilt) ay mahihirapang makita ang pangatlong paglalandi, ang pangatlong paglalandi ay kadalasang pinakamagandang panahon dahil mas produktibo ang mga dumalaga(dumalaga) sa ganitong panahon para mabuntis.
Para makita ang palatandaan ng paglalandi ng mga inahin pumunta sa link na ito
Obserbahan ang dumalaga sa unang paglalandi sa loob ng 18-24 na araw (1st Cycle), at sa pangalawang paglalandi sa loob din ng 18-24 araw (2nd Cycle) pagkatapos ng una, at ang pangatlong paglalandi sa loob din ng 18-24 araw (3rd Cycle) pagkatapos ng pangalawa, sa pangatlong paglalandi ay handang handa na ang dumalaga para sa pagpapakasta at dito ay mas produktibo sya para mabuntis.
Wag pakastahan ang dumalaga sa unang araw ng pangatlong paglalandi (3rd Cycle), mas magandang sa pangalawang araw ng 3rd cycle sya pakastahan.
Para sa mga sow, mas magandang sila’y makastahan pagkatapos ng 6 na araw pagkahiwalay ng mga biik, dahil sa panahong ito’y mas mataas ang kanilang fertility.
Ang mga sow ay paminsan-minsang naglalandi bago mag tatlong araw pagkahiwalay ng mga biik, pero ang pagpapakasta ng ganitong panahon ay maa-aring magbigay ng hindi magandang resulta.
Ang pagpapakasta ay magandang gawin ng dalawa o tatlong beses kada 12 oras ang pagitan.
Hindi tama ang Pangangatawan
Ang mga inahin ay dapat nasa tamang sukat ng pangangatawan para maging maganda ang kanilang pagbubuntis, para sa impormasyon tungkol sa pagpili o tamang timbang at laki ng gagawing inahin pumunta sa link na ito
Bata pa para sa Unang Serbisyo
Ang mga dumalaga(gilts) na may edad na 5 at kalahating buwan at anim na buwan ay hindi makakakuha ng magandang ovulation, dahil hindi pa handa ang kanilang katawan para sa pagpo-produce ng mga biik.
Iwasan ang maagang pagpapakasta para ma-optimisa ang reproduction ng mga inahin.
Ang mga dumalaga(gilts) na nabuntis ng maaga ay magiging pangit ang mga biik, dahil hindi pa handa ang katawan ng sila ay mabuntis.
Pangit ang Temperatura
Ang mataas na temperatura ng panahon ay may malaking epekto sa pagbubuntis ng baboy, itoy nakaka apekto sa pagbaba ng fertility ng inahin dahil sa ayaw din kastahan ng mga barako ang mga inahain sa ganitong panahon.
Magandang may tamang supply ng inuming tubig ang mga inahin at merong magandang ventilasyon ng hangin ang kanilang kulungan.
Marife Etol
Bakit po ba hindi mabubuntis ang aking inahing baboy? Dalawang beses na po siya nag underdo nga artificial insemination. Pagdaan ng ilang ara malapit sa 21 days may mga puting likido na lalabas sa kanilang ari. Tapos manguwag nasad balik. Pinakastahan po din yun ng barako isang beses hindi parin po nabuntis. May puting likido nanamang lumabasnsa ari nito.
Gray
anu po kaya ang dahilan, bakit halos lahat ng klase sa pagpili ng magandang inahin ay sinunod namin. maganda din ang kulungan at laging may tubig. 4 na beses na po ang gilt namin nag undergo ng 2x AI/Insemination at 2x din na ipinabulog na namin pero makalipas ang bawat 18days naglalandi nanaman siya. diet na namin pero wala pa din😢