Loading please wait
Breeding

PANGANGANAK AT PAGPAPASUSO

pagpapaanak at pagpapasuso

Tandaan:

A. Ilipat ang inahin sa malinis na silid anakan 1-2 linggo bago manganak. Ihanda ang mga sumusunod bago manganak ang inahin:

  1. Silid-anakan – linisin mabuti at disimpektahan 
  2. Painitan o Brooder para sa mga biik
  3. Pamutol ng pusod at buntot
  4. Pamutol ng ngipin o tooth nipper 
  5. Malinis na basahang pamunas sa mga biik 
  6. Tincture of Iodine o alcohol

B. Palatandaan ng manganganak na inahin:

  1. Ayaw kumain 
  2. Nag-iingay at hindi mapakali
  3. Namamaga ang mga suso at may gatas na dadaloy kapag bahagyang pinisil ang suso ng inahin 
  4. May lumalabas na maliit na dumi sa puwerta ng inahin

C. Mga dapat gawin sa bagong silang na biik:

  1. Tanggalin ang lamad na nakabalot sa nguso at katawan. Punasan ng malinis na basahan upang matuyo kaagad ang mga biik.
  2. Ilagay sa painitan ang mga biik pagkasilang upang maiwasang malamigan ang mga ito.
  3. Putulin ang pusod talian ito dalawang pulgada mula sa puno ng tiyan at pagkatapos disimpektahan ng tincture of iodine.
  4.  Tanggalin ang mga pangil na ngipin ng biik, 4 sa taas 4 sa ibaba.
  5. Siguraduhing makasuso kaagad ang mga biik ng kolostrum. Aalalayan sa pagsuso ang mga biik na isinilang na malilit at mahina.

D. Dapat gawin matapos manganak ang inahin:

  1. Obserbahan ang inahin, alamin kung ito ay may lagnat.
  2. Upang maiwasan ang komplikasyon matapos manganak, turukan ang inahin ng antibiotiko.
  3. Siguraduhin na ang inunan ay inilabas ng inahin matapos ang panganganak
  4. Ang mga suso ay kailangan malinis ng mabuti bago sumuso ang mga biik.

Pagwawalay

  • Ang mga biik ay dapat ng iwalay sa edad na 28-30 araw mula pagkasilang. Ito ay ginagawa upang hindi masagad at sa gayon ay madaling makabalik sa paglalandi ang alagang inahin.
  • Dapat ng nag lalandi ang inahin sa loob ng 5 – 7 araw mula pagkawalay. Magagawa natin ang ganitong pamamaraan kung matuturuan natin ang biik na kumain ng maaga at masuportahan ang inahin ng masustansyang pagkain.
Leave a Reply

Your email address will not be published.