Loading please wait
Breeding

Pagpapanatili ng Regular na Paglalandi

Mga paraan para mapanatili ang regular na paglalandi ng mga inahin.

  • Tangalin ang mga biik sa inahin simula 4 hanggang 6 na linggong gulang ng mga biik.
  • Ilagay sa matuyong kulungan ang inahin
  • Itabi sa kulungan na malapit sa barako ang inahin, yung tipong maririnig, makikita, at maamoy nya yung barako
  • Wag bigyan ng pagkain ang inahin pagkawalay ng mga biik
  • Kinabukasan pagkalipas ng pagwawalay, pakainin ang inahin ng hanggang 4 na kilo kada araw, ito ay paraan ng paglilinis at pagpapaganda ng inahin, gawin ito hangang sa 10 araw o hanggang sa mapabulog ito sa barako.
  • Ilagay ang inahin sa grupo ng mga inahin (ang stress ay pwedeng magpalandi sa mga inahin)
  • Kung may problema sa paglalandi, subukang palitan ang pakain
  • Panatilihin ang magandang klima sa kulungan.
  • Ang inahin ay hindi dapat sobrang taba o sobrang payat. Narito ang mga criteria sa pagpili ng gagawing inahin

Pano malaman kung ang inahin ay buntis

  • 21 araw pagkatapos ng pagpapabulog at ang inahin ay hindi nagpapakita ng paglalandi.
  • Gumamit ng echo scan detection device 23 to 35 na araw pagkatapos ng pagpapabulog.

Culling

  • Mga inahin na mahirap na magbuntis, o mga inahin na sobrang konti nalang mag buntis ay dapat nang ibenta
  • Mga barakong hindi na makapang buntis o infertile ay dapat naring maibenta
2 comments
  1. Gloria Dilag

    Bkit ung inahin nmin hndi agad nabubuntis sa isang turok lng?ilan bng beses dapat turukan para mabuntis ang inahin.salamat sa payo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.